PBBM nakipagpulong sa mga opisyal ng P&G, Sutherland

PBBM nakipagpulong sa mga opisyal ng P&G, Sutherland

September 23, 2022 @ 10:07 AM 1 week ago


UNITED STATES – Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. araw ng Biyernes, oras sa Pilipinas, sa ilang opisyal ng American private companies sa New York habang nasa kanyang working visit sa Estados Unidos.

Nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga opisyal ng Procter & Gamble (P&G), kompanyang nagsimula ng kanilang operasyon sa Pilipinas sa mahigit na 80 taon.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ang itinuturing na “third oldest P&G subsidiary globally.”

Samantala, nagkaroon naman ng business dialogue si Pangulong Marcos sa Sutherland Global Services, isang kompanya na nag-aalok ng business process transformation.

Nagsagawa rin ang Punong Ehekutibo ng kanyang-kauna-unahang roundtable discussion sa mga chief executive officers (CEOs) sa Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) sector sa New York.

Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng official delegation ni Pangulong Marcos at top executives ng iba’t ibang US companies sa IT-BPM industry.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ang Malakanyang ng detalye ng nasabing miting. Kris Jose