PBBM nakiramay sa 2 nasawing Pinoy sa Turkey quake

PBBM nakiramay sa 2 nasawing Pinoy sa Turkey quake

February 10, 2023 @ 11:07 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Labis na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpanaw ng dalawang Filipino matapos ang 7.8 magnitude na lindol na tumama sa Turkey at Syria kamakailan.

“It is with deep regret that we learn of the passing of two Filipinos in the recent 7.8-magnitude earthquake that devastated Türkiye,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang Twitter account.

Tiniyak naman nito na patuloy na kumikilos ang Embahada ng Pilipinas  para iberipika ang anuman at lahat ng impormasyon ukol sa mga Filipino na apektado ng lindol.

Sa ulat, araw ng Lunes, Pebrero 6 nang yanigin ng magnitude 7.8 na lindol ang Turkey at Syria, dahilan para umabot na sa mahigit 21,000 ang nasawi mga nabanggit na lugar. Kris Jose