PBBM, nakiramay sa pagpanaw ni Pope Benedict XVI

PBBM, nakiramay sa pagpanaw ni Pope Benedict XVI

January 1, 2023 @ 10:23 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagluluksa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagpanaw ni dating Pope Emeritus Benedict XVI, noong 9:34 ng umaga araw ng Sabado, Disyembre 31 – oras sa Vatican, sa kanyang tirahan sa edad na 95.

Ang Pilipinas ay kaisa sa pagdarasal sa kaluluwa ng namayapang ex-pontiff.

“We are in deep sorrow upon learning of the passing of Pope Emeritus Benedict XVI today,” ayon sa Pangulo sa kanyang tweet.

Wika pa ng Pangulo na “The Philippines is one in offering our prayers for the eternal repose of his soul. We keep his loved ones in our prayers.”

Ayon sa ulat, mismong ang tagapagsalita ng Holy See ang nagbahagi ng malungkot na balita sa pamamagitan ng isang official statement.

Nabatid na namayapa ang dating Santo Papa sa loob ng Mater Ecclesiae Monastery sa Vatican.

“With sorrow I inform you that the Pope Emeritus, Benedict XVI, passed away today at 9:34 in the Mater Ecclesiae Monastery in the Vatican.”

“Further information will be provided as soon as possible,” ang bahagi ng inilahad na statement ng Vatican.

Kamakailan lamang ay humiling pa si Pope Francis na ipagdasal ang dating Santo Papa sa pagtatapos ng pagharap niya sa General Audience sa Vatican City.

Ito’y dahil nga sa patuloy na paglala ng health condition ni Pope Benedict XVI na nagbitiw sa tungkulin nito noong Pebrero 28, 2013.

“I would like to ask you all for a special prayer for Pope Emeritus Benedict, who in silence is supporting the Church.” Kris Jose