PBBM namigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyong Paeng sa Maguindanao

PBBM namigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyong Paeng sa Maguindanao

November 1, 2022 @ 3:30 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbibigay ng tulong sa mga taga- Maguindanao na napeektuhan ng bagyong Paeng lalo na ang mga mamamayan na nawasak ang mga tahanan.

Sa naging talumpati ni Marcos, inihayag nitong huwag na lang construction materials ang ipagkaloob sa mga naapektuhang residente at sa halip ay cash na lamang para muling maayos at mabalik na ang kanilang nasirang tahanan.

Tinatayang nasa P5,000 hanggang P10,000 ang ipamamahagi ani Pangulong Marcos o depende sa laki ng pinsala na natamo ng bahay ng isang residenteng tinamaan ng bagyo.

Sinabi ni Pangulong Marcos, bahala na aniya ang mga beneficiary kung paano gugugulin ang halaga para sa pagsasaayos ng kanilang nasirang bahay. Kris Jose