PBBM nanawagan sa transport groups: Tigil-pasada ‘wag ituloy

PBBM nanawagan sa transport groups: Tigil-pasada ‘wag ituloy

March 1, 2023 @ 11:13 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa transport groups na huwag munang ituloy ang nakatakda nitong tigil-pasada mula Marso 6 hanggang 12 bilang pag-protesta sa modernization program ng gobyerno.

Sa isang chance interview matapos pangunahan ang paglulunsad ng Hapag Kay PBBM (HAlinaā€™t Magtanim ng Prutas At Gulay sa Barangay Project/ Kadiwa Ay Yaman/ Plants for Bountiful Barangays Movement) sa Open Air Auditorium sa Rizal Park, Manila sinabi ng Pangulo na magdurusa lamang ang mga mananakay kapag natuloy ang nasabing tigil-pasada.

Ito’y sa kabila ng sinabi ng Department of Transportation na mayroong contingency plans ang pamahalaan sakali’t mag-collapse ang kanilang pakikipag-usap sa transport groups.

Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na suportado nito ang hakbang na gawing modernisado ang public utility vehicles, subalit kailangan ang tamang implementasyon ng polisiya matapos ang makailang ulit na pagtatangka.

Giit ng Chief Executive, kailangan ang transportation modernization dahil makatutulong ito na “reduce cost for passengers.”

“Ngunit, sa pag-aaral ko, parang hindi naging maganda ang implementation nung modernization,” ayon sa Pangulo.

“Tama naman yun. Kailangan safe yung mga jeepney, yung mga tricycle, yung mga bus, kailangan safe ‘yan. Pero iba-iba yung naging standards ng kanilang ginawa,” dagdag na wika nito.

Magkagayon man, kontra naman siya sa decommissioning ng mga jeepney lalo pa’t maaari pa itong gamitin.

“May mga luma naman na maganda pa rin, eh. May luma naman na pwede pang gamitin. So baka yun tingnan natin,,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Eh kung magandang mag-alaga yung driver? Maganda yung jeep niya, ‘di pwede pang gamitin ‘yan, safe pa naman.”

Samantala, sinabi pa n Pangulo na dapat pag-usapan ang June 30 jeepney phaseout. Kris Jose