PBBM nanawagan sa Tsina: West Philippine Sea bilateral task force palakasin

PBBM nanawagan sa Tsina: West Philippine Sea bilateral task force palakasin

February 12, 2023 @ 2:06 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Chinese President Xi Jinping na palakasin ang West Philippine Sea (WPS) bilateral task force sa pagitan ng Pilipinas at China.

Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga insidente na nangyari sa WPS ay posibleng dahil sa miscommunication sa pagitan ng dalawang bansa.

Tinuran ng Pangulo na bukas naman si Xi sa kanyang suhestiyon.

Binigyang diin ng Chie Executive na ag military solution ay hindi sagot para resolbahin ang territorial disputes.

Smantala, sinabi naman niĀ  House Speaker Martin Romualdez of Leyte na magpapadala ang Japan ng defense equipment para palakasin ang maritime security ng PIlipinas sa gitna ng nagpapatuloy na mga aktibidad sa South China Sea.

Ito ay isa mahalagang pinag-usapan saĀ  five-day official visit ni Pangulong Marcos saĀ  Japan. Kris Jose