PBBM nangako ng mas madali, mabilis na serbisyo ng gobyerno sa 2023

PBBM nangako ng mas madali, mabilis na serbisyo ng gobyerno sa 2023

January 2, 2023 @ 4:28 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nangako ang administrasyong Marcos na i- streamline o pabibilisin ang government activities at services ngayong taong 2023.

Layon nito na tiyakin ang kakayahan na tugunan ang pangangailangan ng publiko, ayon sa Office of the Press Secretary (OPS).

Matatandaang sa pagsisimula ng kanyang administrasyon, inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kanyang gabinete na padaliin at pabilisin ang kanilang proseso.

Binigyan niya rin ang mga opisyal ng “free hand” sa paghawak sa ahensiya.

“In 2023, the government shall remain steadfast and continue to pursue streamlining initiatives to ensure the delivery of efficient government services to the people and fight corruption by eradicating all forms of red tape,” ayon sa administrasyon sa year-end report nito.

Ayon sa OPS, “Improving bureaucratic efficiency has been included in the administration’s 8-Point Socioeconomic Agenda in the near-term, “putting a premium on digitalizing, harmonizing, and standardizing government data.”

Gustong palakasin ng pamahalaan ang TradeNet, ang one-stop online shop na naglalayong bawasan ang processing time at pagtugmain ang permitting procedures na may kinalaman sa import at export processes sa bansa.

Samantala, ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), sa pakikipagtulungan sa iba pang ahensiya ng pamahalaan, ay isusulong ang National Policy on Regulatory Management System (NPRMS) na makapagbibigay ng common framework para sa good regulatory practices at maging ang enforcement at compliance strategies.

Plano naman ng pamahalaan na isulong ang NPRMS components gaya ng Philippine Business Regulations Information System (PBRIS) para bigyan ang stakeholders at government agencies ng access na magpanukala at pairalin ang government regulations at maiwasan ang overlapping.

Idagdag pa, ipagpapatuloy ng gobyerno na i-develop at ipatupad ang interoperable systems na mas magpapabilis ng palitan ng impormasyon, katulad na lamang ng Philippine Identification System at electronic Business Permits and Licensing Service (eBPLS).

Samantala, itutuon naman ng Department of Budget and Management (DBM) ang pansin sa pagroll-out ng digital systems na magsisiguro ng mas mainam na fiscal management at budget reliability. Kris Jose