PBBM nanghikayat  ng  investments sa 2nd trip sa SG

PBBM nanghikayat  ng  investments sa 2nd trip sa SG

October 3, 2022 @ 9:48 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng Malakanyang na bumalik ng Singapore si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  upang pagtibayin ang pangunahing  usapan sa kanyang kamakailan lamang na state visit doon at muling hikayatin ang mga mamumuhunan sa bansa.

Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang screenshot ng isang post na ginawa ni Singaporean Manpower Minister Tan See Leng na kumukumpirma sa naging byahe ng Pangulo sa city-state.

Nakipagpulong si Pangulong Marcos sa mga Singaporean investors  sa sidelines  ng  Formula One Grand Prix race sa Singapore, Linggo ng gabi.

“Naging produktibo ang pagdalaw sa Singpore ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. Pinagpatibay niya ang mga pangunahing usapan sa huling state visit sa bayan na ito, at pinatuloy ang paghihikayat sa pag invest sa bayang Pilipinas,” ang caption ni Cruz-Angeles.

Hindi  na ito nagbigay pa ng karagdagang detalye sa kanyang naging post.

Kasama ng Pangulo ang kanyang anak na si Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos, at pinsan na si  House Speaker Martin Romualdez.

Si Tan,  sa kanyang Facebook post,  sinabi nito na maliban kay Pangulong Marcos ay nakipagpulong din  siya sa iba pang heads of state, ministers, at foreign dignitaries.

“Happy to meet various Heads of States, Ministers and foreign dignitaries (including Bongbong Marcos, President Surangel Whipps Jr., Cambodia’s Minister attached to the Prime Minister and Managing Director of Electricite Du Cambodge (EDC), Keo Rottanak, Cambodia’s Minister of Commerce, Pan Sorasak, Advisor to the Royal Court, Kingdom of Saudi Arabia, Dr Fahad Bin Abdullah Toonsi) to affirm our bilateral economic relationships and strengthen collaborations in energy cooperation as well as exchange views on manpower policies on the sidelines of the race,” wika nito.

“Last but not least, especially happy to have our community and tripartite leaders and front-liners at the event. Thank you for your contributions towards the fight against Covid-19 over the last 2 years,” dagdag na pahayag ni Tan. Kris Jose