PBBM nasa Thailand na sa APEC Summit

PBBM nasa Thailand na sa APEC Summit

November 17, 2022 @ 8:18 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Dumating na sa Thailand si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., Miyerkules ng gabi, Nobyembre 16 para dumalo sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Nakatakdang talakayin ng Pangulo sa mga economic at business leaders ng APEC nations ang mga usapin na may kinalaman sa food security at energy.

Dumating ang Chief Executive sa Don Mueang International Airport dakong alas- 5 ng hapon (alas-6 ng gabi, Philippine time, sakay ng PR001).

Kasama ng Pangulo si Unang Ginang Louise Araneta-Marcos at ang Philippine delegation para sa four-day visit kung saan magpapartisipa siya sa kanyang kauna-unahang APEC Economic Leaders’ Meeting bilang Pangulo ng Pilipinas.

Sa kabilang dako, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS), inaasahan na magkikita sina Pangulong Marcos at Unang Ginang at King Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Queen Suthida Bajrasudhabimalalakshana na siyang magho-host ng APEC leaders and spouses.

“The President will be engaging with other leaders on how to tackle food and energy security and the economic inclusion of the country’s micro, small, and medium enterprises (MSMEs), among others,” ayon sa OPS.

Samantala, makikita sa datos mula sa Department of Trade and Industry (DTI) na may 1.080 million negosyo ang nagpapatuloy sa Pilipinas para sa taong 2021, 99.58% ang MSMEs.

Kabilang rito ang 978,612 o 90.54% micro enterprises, 93,230 o 8.63% small, 4,437 medium, at 4,531 o 0.42% large.

“The Philippine leader also looks forward to unlocking economic potential, digitalizing the country’s participation in the digital economy, pushing sustainable development, as well as addressing the climate change crisis,” ayon sa OPS.

Inaasahan din na magkakaroon si Pangulong Marcos ng anim na bilateral meetings sa sidelines ng summit, kung saan sinabi ng Chief Executive na bitbit niya ang kanyang pangarap na “peaceful and prosperous” Asia Pacific region.

Ang 21 miyembro nito ay kinabibilangan ng Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, People’s Republic of China, Hong Kong, Indonesia, Japan, Republic of Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Peru, Pilipinas, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, Estados Unidos at Vietnam.

Nakatakda ring makipagpulong si Pangulong Marcos sa Filipino community sa Thailand sa panahon ng kanyang working trip. Kris Jose