PBBM, niregaluhan si Anwar ng ‘Noli Me Tangere’

PBBM, niregaluhan si Anwar ng ‘Noli Me Tangere’

March 2, 2023 @ 3:39 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Niregaluhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim ng kopya ng classic Filipino novel  na “Noli Me Tangere” kasunod ng kanilang  bilateral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkules, Marso 1.

Sa isang video, makikita na nagpalitan ng regalo ang dalawang lider sa  President’s Hall kasunod ng tete-a-tete, Miyerkules ng gabi.

Iniabot ni Pangulong Marcos ang 1909 Tercere Edition ng  “Noli Me Tangere” ni Dr. Jose Rizal  sa  Malaysian Prime Minister.

Ayon sa Radio Television Malacañang, kinonsidera ni Anwar  si  Rizal bilang  “precursor to the Asian renaissance” at nagpaabot ng pasasalamat sa ginawa ng Pangulo na pagbibigay ng regalo.

Sa kabilang dako, nakatanggap naman si Dr. Wan Azizah binti Wan Ismail, asawa ng Prime Minister, ng  isang  Waling-Waling brass card holder – isang decorative ornament na pinagsama ang ganda ng Waling-Waling at matibay at kaakit-akit na  brass ng  Cebuano artisans.

Matapos ito ay nagkaroon ng offering ng toast sa official dinner kung saan ang nag-host ay ang Pilipinas para sa bumisitang  Malaysian leader, at sinabi ng Pangulo na nabuhayan siya ng loob  sa pagbisita ni Prime Minister Anwar “not only because I am happy to see a friend, whom we have come to admire greatly.”

“I view the Prime Minister’s visit as a rekindling of an old friendship and old bond that took millennia to make, between neighbors and ASEAN founding members, whose people have interacted and traded for centuries before they even knew the concept of countries,” ang wika ng Pangulo.

“More importantly, I view this visit as a reaffirmation of our shared commitment to revitalize our bilateral relations,” dagdag na pahayag nito.

Ani Pangulong Marcos, mayroong malaking potensiyal sa kalakalan at pamumuhunan.

Bilang  pillars ng ASEAN, sinabi ni Pangulong Marcos na mayroon silang responsibilidad at oportunidad na palakasin ang  kanilang komunidad at trabaho tungo sa regional peace at kasaganaan. Kris Jose