PBBM: Pag-angkat ng galuggong, ‘di katanggap-tanggap

PBBM: Pag-angkat ng galuggong, ‘di katanggap-tanggap

September 7, 2022 @ 3:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inilahad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na humingi siya ng tulong sa Indonesia sa pagpapalakas ng fishery industry ng Pilipinas at at inihayag na hindi katanggap-tanggap ang pag-angkat ng galunggong.

Sinabi ni Marcos na tinalakay ang isyu ng pag-angkat ng round scad o galunggong — na tinaguriang “poor man’s fish” — sa pulong nila ni Indonesian President Joko Widodo nitong Lunes.

“Nagpatulong ako sa fisheries kasi obsessed ako dito sa Pilipinas nag-i-import ng galunggong. Di ko talaga matanggap iyan. So I asked for help kasi matibay ang fisheries nila,” pahayag niya nitong Martes.

Inaprubahan ng Department of Agriculture nitong Enero ang pag-angkat ng 60,000 metric tons ng frozen galunggong para sa wet markets kasunod ng pinsalang dulot ni bagyong Odette sa sektor ng pangingisda.

Sinabi pa ng chief executive na nagkasundo sila ni na mag-exchange ng delegasyon upang talakayin ang isyu.

Igiiit naman ni Marcos na ang una niyang state visit ay mas produktibo kumpara sa inaasahan. RNT/SA