PBBM: Pagbaba ng inflation rate inaasahan sa bagsak-presyo ng langis, agri products

PBBM: Pagbaba ng inflation rate inaasahan sa bagsak-presyo ng langis, agri products

February 7, 2023 @ 4:36 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahan na niyang bababa ang inflation rate matapos ang inaasahang pagbaba sa presyo ng fuel at agricultural products.

Aniya, ang inflation rate sa ngayon ay patuloy na tumataas dahil ang pagsisikap na ipinatupad ng kanyang administrasyon “have not yet gone through the system.”

Ayon sa Pangulo, ang inflation rate ay inaasahan na bababa sa second quarter ng 2023.

“It is unfortunate that we get the news today that inflation has continued to increase up to 8.7%. I supposed it can only be said that the measures that we have taken have not yet gone through the system,” ayon sa Pangulo sa isang kalatas.

“As I said, the importation of many of the agricultural products, which have been a large part of the inflation rate… as we have already taken some measures so that the supply will be greater and so that will bring the prices down but that will take a little time. And as my continuing estimate or forecast is that by – we can see the lowering of inflation by the second quarter of this year,” dagdag na wika nito.

Tinukoy pa ng Pangulo na sa pagbaba ng presyo ng fuel at agricultural products, ang inflation rate ay magpapatuloy na bababa dahil naniniwala siyang “this is going to be as high as it’s going to get.” Kris Jose