PBBM: Pagbuhay sa MSMEs prayoridad ko

PBBM: Pagbuhay sa MSMEs prayoridad ko

August 26, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang digitalization sa isinasagawang MSME Summit 2022.

Sa naging pagdalo ni Pangulong Marcos sa naturang okasyon, sinabi nito na natutuwa siyang magkalinya ang ideya na kanyang isinusulong sa ipinupursige din ng MSME Summit para sa pagbabalik sigla ng ekonomiya ng bansa.

Partikular na aniya ang pagtataguyod sa digitalization na para sa Chief Executive ay magandang avenue para makamit ang economic recovery ng mga nasa Macro, Small, Medium Enterprise.

Nagtutugma aniya rito ang gobyerno at ang nasa pribadong sektor sa gitna ng magkaparehong pananaw para sa magandang kinabukasan para sa mga Pilipino.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na “excited” siya sa kalalabasan ng Summit na tiyak aniyang magbubukas ng panibagong pintuan at mga istratehiya gayundin ng bagong mga oportunidad sa MSMEs.

Mula aniya rito ay lalabas ang full potential ng bansa patahak sa growth and development at malaki aniya dito ang magiging papel ng digitalization sa tinatarget na pagbangon ng kalakalan sa Pilipinas.Β Kris Jose