PBBM: Pagdedeklara ng nat’l state of calamity ‘di kailangan

PBBM: Pagdedeklara ng nat’l state of calamity ‘di kailangan

October 31, 2022 @ 4:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Walang nakikitang dahilan si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  para magdeklara ng  nationwide state of calamity matapos ang matinding pananalasa ni  Severe Tropical Storm Paeng.

Tinanong kasi si Pangulong Marcos ukol sa rekumendasyon ng  National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) na ilagay ang bansa sa ilalim ng state of calamity bunsod ng pananalasa ni Paeng.

“I don’t think it’s necessary. I came to that conclusion in consultation with DENR (Department of Environment and Natural Resources). Sabi hindi naman kasi extensive, very highly localized ang damage,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We’re talking about the East Coast, [which is] Quezon, [then] dito sa Cavite, and then Maguindanao. So those are the areas. It doesn’t need to have…like in the Visayas, there’s no need for a national calamity [declaration].  Regions 1, 2, hindi naman kailangan mag national calamity [declaration]. We will [be able to] focus better if we stay with the calamity status as we have now,” dagdag na wika nito.

Ang deklarasyon ng  nationwide state of calamity ay naglalayong payagan ang  local government units na gamitin ang calamity fund para tulungan ang komunidad na apektado ni Paeng.

Base sa government records, may  2.1 milyong indibiduwal ang apektado ng bagyo.

Hinggil naman sa halaga ng pinsala matapos manalasa si Paeng, sinabi ng Pangulo na patuloy na nagsasagawa ng  assessment ang Department of Agriculture.

“We are not yet done with estimates, but our latest figure is at P260 million,” ayon sa Kalihim.

“Ang assessment diyan, hindi lamang kung saan dumaan ang tubig….kakatanim lang daw [ng iba eh] e. Planting season ngayon dito, so baka magtatanim ulit. So we have to see kung ano pa ang puwedeng buhayin, ano ‘yung talagang hindi na kakayanin and we will have to provide agricultural inputs,” aniya pa rin.

“Malaking numero pa rin ‘yung P260 million, at lalaki pa ‘yan, I am afraid to say, as reports come in,” wika ng Pangulo. Kris Jose