PBBM: Pagkabigo ng PSG, may matinding epekto sa Pinas

PBBM: Pagkabigo ng PSG, may matinding epekto sa Pinas

July 4, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kahalagahan ng Presidential Security Group (PSG).

Ang pagkabigo ng PSG sa misyon nito na protektahan ang First Family ay may matinding epekto sa bansa.

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang change of command ceremony ng PSG sa Malakanyang kung saan pormal na sinimulan ni Colonel Ramon Zagala ang kanyang posisyon bilang commander ng PSG, pinalitan nito si Brigadier General Randolph Cabangbang.

“The mission of the Presidential Security Group goes beyond the stated mission of protecting the First Family and foreign dignitaries to come to visit to us. What you are guarding is not only the personages of the First Family but you are guarding and keeping safe an institution, the institution of the presidency,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

“Because should you fail in your mission, that institution will collapse and the effects on our country will be dire. That is why we only pick the best men and women that we have within our military to join the Presidential Security Group,” dagdag na pahayag nito.

“I trust that under your leadership, the PSG will be able to continue the excellent provision of security to the Office of President, the First Family, as well as visiting heads of state and diplomats,” aniya pa rin.

Sa panig naman ni Zagala, sinabi nito na ang protektahan ang First Family ay nangangahulugan na pagprotekta sa bansa.

“I would like to emphasize the protecting President Ferdinand Marcos Jr. and his kin is not just simply protecting the Chief Executive and his loved ones, it is to secure the stability of our country,” ayon sa naging talumpati ni Zagala.

“It is to guarantee that the trust of the majority of our countrymen in his presidency will not be in vain,” dagdag na pahayag ni Zagala.

Sinabi nito na nakatuon ang kanyang pansin sa training, personnel welfare, at stakeholder engagement.

Hinikayat ni Zagala ang lahat ng PSG personnel na maging propesyonal at tapat sa bansa.

“I expect each and everyone of you to remain professional and loyal to the Constitution and our country. Be competent on the job at hand, be kind and compassionate, be humble. But also be firm and steadfast when needed,” aniya pa rin. Kris Jose