PBBM, pamilya makikipista sa Ilocos

PBBM, pamilya makikipista sa Ilocos

February 24, 2023 @ 3:49 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nakatakdang saksihan ng pamilya Marcos ang pagbabalik ng Tan-ok ni Ilocano Festival sa Laoag City.

Magbabalik kasi ang Pangulo sa kanyang “hometown” sa Ilocos Norte, gabi ng Biyernes, Pebrero 24 para sa ika-37 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution, nagbagsak sa rehimen ng kanyang ama at kapangalan na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ang pagdiriwang ay nangangahulugan na “Greatness of the Ilocano”, ay idaraos sa bagong ayos o binagong Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium sa Laoag City.

“My family and I send our warmest greetings to our fellow Ilocanos as we celebrate the Tan-ok ni Ilokano,” ayon sa Pangulo sa kanyang Twitter post.

“We look forward to witnessing the unique history, heritage, and culture of Ilocos Norte being celebrated and displayed for the  world to see. Agbiag ti Ilocano!,” dagdag na wika nito.

Ang “Tan-ok ni Ilocano: The festival of festivals” ay ang pinakamalaking pagtitipon sa lalawigan ng Ilocos Norte kung saan ang bawat lungsod at lalawigan nito ay magtatanghal ng isang sayaw na maglalarawan ng kanilang kultura at industriya.

Karaniwang ipinalalabas dito ay ang interpretasyon ng kani-kanilang pistang ipinagdiriwang taun-taon bilang larawan ng kanilang sariling pagkakakilanlan tulad ng kanilang kultura, kabuhayan, produkto, relihiyon at kasaysayan. Kris Jose