PBBM papunta na sa Tsina para sa state visit

PBBM papunta na sa Tsina para sa state visit

January 3, 2023 @ 2:10 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Umalis na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Martes patungong China para sa three-day state visit kung saan inaasahang pagtitibayin ng dalawang bansa ang trade and investment ties, at tutugunan ang security issues of mutual concern.

Lumipad ang presidential plane mula Maharlika Villamor Airbase sa Pasay City bandang ala-1:30 ng hapon, matapos ihayag ni Marcos ang kanyang departure statement at bigyan ng departure honors ng militar.

Kasama ng Pangulo sina First Lady Liza Marcos, House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, House Speaker Martin Romualdez, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno, Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual, Tourism Christina Frasco, Information and Communications Technology Secretary Ivan Uy, at iba pang Cabinet secretaries.

Base sa Department of Foreign Affairs (DFA), halos 10 hanggang 14 bilateral agreements ang inaasahang lalagdaan sa pagbisita ni Marcos.

Hinggil ang mga ito sa kooperasyon sa trade and investments, agriculture, renewable energy, infrastructure, development cooperation, people-to-people ties, at maritime security cooperation.

Inaasahan din sa state visit ang pagpapatibay sa “cordial and neighborly relations” sa pagitan ng Manila at Beijing, at “build on the growing trade and investment ties between the two economies, as well address security issues of mutual concern,” ayon sa DFA.

Sa Miyerkules, makikipag[ulong si Marcos kina Chairman of the Standing Committee of the National People’s Congress Li Zhanshu, Chinese Premier Li Keqiang, at kay Chinese President Xi Jinping.

Magho-host umano si Xi, base sa DFA, ng dinner banquet para sa Philippine delegation matapos ang kanyang pulong kay Marcos.

Sa pagbisita ni Marcos’ visit ay inaasahang isusulong ng Philippine delegation ang memorandum of understanding sa China sa digital cooperation at bilateral agreement sa tourism cooperation.

Posible ring lagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan sa paglikha ng direct communication line “to avoid miscalculation and miscommunication in the West Philippine Sea.”

Kabilang naman sa iba pang points on the agenda ng Philippine delegation sa China, batay sa DFA, ang pag-secure ng posibleng grants, pagtatalagaa ng framework agreement para sa tatlong priority bridge construction projects, at pag-renew sa partisipasyon ng Pilipinas sa Belt and Road Initiative ng China.

Inaasahan din ang finalization ng kasunduan sa pag-aangkat ng durian.

Itinuloy pa rin ng Pangulo ang state visit sa gitna ng bagong surge ng COVID-19 cases sa China. RNT/SA