PBBM: Pinas malapit na sa ‘rice self-sufficiency’ kung..

PBBM: Pinas malapit na sa ‘rice self-sufficiency’ kung..

February 16, 2023 @ 2:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na malapit na ang bansa sa rice self-sufficiency sa loob ng dalawang taon kung ipatutupad ng gobyerno ang  “major reorganization” sa ahensiya nito.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng pakikipagpulong sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at  National Irrigation Administration (NIA) sa Palasyo ng Malakanyang.

“From that discussion, we have begun to put on the timetable of what are the things that we need to do. And sa aming calculation, kung magawa natin lahat ng kailangang gawin — kasi marami tayong kailangan ayusin, marami tayong ire-reorganize — pero kung magawa natin lahat ‘yan, we will be close to self-sufficiency for rice in two years,” ayon kay Pangulong  Marcos.

“There’s a great deal of work to do pero nakikita na namin kung papaano gagawin. So that’s what we will work on for now,” dagdag na wika nito.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na kailangan ng plano ng “cooperation, convergence, and coordination” kasama ang DA, NIA, Department of Public Works and Highways (DPWH), at  National Economic and Development Authority (NEDA).

“So our next meeting will be that. Nandiyan na lahat ng mga concerned agency  and we will present the timetable as to what needs to be done, what forms of coordination need to be done,” dagdag na wika nito.

Ayon sa Malakanyang, ang gobyerno ay nagpapatupad na ng estratehiya para itaas ang  rice production, gaya ng  “convincing irrigators associations (IA) and farmers to plant hybrid rice, adopting alternate wetting and drying as a water-saving technology for irrigated lands, harvesting in September during the wet season, and ratooning after the wet season harvest.”

Ang rice ratooning o sagibo ay  ang pagpapatubo ng bagong suwi o uhay mula sa mga  pinaggapasan ng pangunahing tanim o main crop at maging  sa second crop ng palay.

Sa ratooning, hindi na kailangang  dumaan pa sa paghahanda ng lupa, pamumunla, at pagtatanim, at mas
kaunting pataba ang kailangan kaya mas matipid. Bukod dito, sa tag-ulan at tag-araw, maaari ring umani ng katumbas sa 20 hanggang 60 porsyento ng main crop. Mas mabilis din itong  anihin dahil 45-60 araw lang matapos
i-ratoon, ay maaari nang anihin.

Sinabi pa n Malakanyang na ang  NIA ay may total investment pledge ng mahigit sa ₱1 trillion mula sa  potential private partners, kung saan papayagan ang ahensiya na isulong ang irrigation projects nito ng walang restriksyon sa limitadong  funding.

“As of Dec. 31, 2021,  tinatayang may 2.04 million hectares (ha), o 65%  potential irrigable area ng  3.13 million ha ng bansa ang na-develop. May 1.5 milyong magsasaka ang nakinabang dito.

Tinatayang may 1.09 million ha, o 35%, ng natitirang lugar ang nananatiling kailangang i-develop. Kris Jose