PBBM pinatitiyak na ‘di na mauulit karahasan sa mga pasilidad ng PNP

PBBM pinatitiyak na ‘di na mauulit karahasan sa mga pasilidad ng PNP

October 9, 2022 @ 1:50 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kaagad na kinalampag at inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na tiyakin na wala ulit mangyayaring karahasan sa pasilidad nito matapos i-hostage ng tatlong inmates si dating Senator Leila de Lima, Linggo ng umaga, Oktubre 9.

Hinostage kasi ng tatlong preso si de Lima matapos saksakin ng mga ito ang isang pulis na nagrarasyon ng pagkain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa loob ng Camp Crame.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. has directed Camp Crame to enforce all measures necessary to ensure that no act of violence in said facility and all other PNP detention centers shall happen again,” ayon kay Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil.

Kinumpirma naman ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na sinabing nasa kritikal na kondisyon ang nasabing pulis.

Aniya, dakong 6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa nasabing detention facility kung saan nakakulong ang dating senador.

Nagtungo aniya sa lugar ang naturang pulis upang mag-deliver ng pagkain ng mga detainee.

Gayunman, bigla itong sinaksak ng tatlong presong nasa kanilang kustodiya.

Pagkatapos ng pananaksak, kaagad nilang hinatak si De Lima at ginawang hostage.

Sa tweet ni Pangulong Marcos, sinabi nito na kakausapin niya si de Lima para alamin ang kalagayan nito.

“Following this morning’s incident at Camp Crame, I will be speaking to Senator De Lima to check on her condition and to ask if she wishes to be transferred to another detention center,” ayon sa Pangulo. Kris Jose