PBBM, pinuri ang “10 outstanding pinoy”

PBBM, pinuri ang “10 outstanding pinoy”

September 10, 2022 @ 8:25 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 10 outstanding Filipinos na pinangalanan ng Metrobank Foundation para sa pagbibigay ng kanilang natatanging serbisyo.

Sa isinagawang awarding ceremony ng 2022 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos na idinaos sa President’s Hall sa Malacañan Palace, sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga awardees ay “living embodimentof the phrase beyond excellence.”

“Your constant resolve to fulfill and transcend your duties to the best of your ability will exemplify what it means to be true public servants,” ayon sa Chief Executive sa mga recipients ng 2022 Metrobank Foundation Outstanding Filipino Award.

Ang mga awardees ay kinabibilangan ng apat na guro, tatlong sundalo at tatlong police officers na sumailalim sa masusing proseso ng pagpili at napili mula sa libo-libong nominasyon.

Ang mga guro na kinilala bilang outstanding Filipino ay sina Junmerth Jorta, Teacher I at Officer in Charge ng Keupiyanan Te Balugo sa San Fernando, Bukidnon; Christine Joy Aguila, Ph.D., Special Science Teacher V ng Philippine Science High School – Main Campus sa Quezon City; Mark Nolan Confesor, Ph.D., Professor VI ng Mindanao State University – Iligan Institute of Technology sa Iligan City; at Leonila Dans, M.D., M.Sc., Professor XII ng University of the Philippines Manila sa Lungsod ng Maynila.

Ang mga sundalo naman na awardees ay sina Technical Sgt. Joel Tuganan PA, 1st Sgt. ng Delta Company, 33rd Infantry Battalion, 6th Infantry Division sa Radjah Buayan, Maguindanao; Col. Maria Victoria Juan NC, Army Chief Nurse sa Office of the Army Chief Nurse ng Philippine Army headquarters sa Taguig City; at Col. Stephen Cabanlet PN(M), Assistant Chief ng Unified Command Staff for Operations, U3, Western Command ng Camp Gen. Artemio Ricarte sa Puerto Princesa City, Palawan.

Ang mga awardees na police officers ay sina Police Executive Master Sgt. Rogelio Rodriguez Jr., Investigator ng Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit ng Criminal Investigation and Detection Group sa Quezon City; Police Capt. Rosalino Panlaqui, Chief of Police ng Jalajala Municipal Police Station sa Jalajala, Rizal; at Police Col. Lambert Suerte, Battalion Commander ng Regional Mobile Force Battalion – National Capital Region Police Office sa Taguig City.

Pinasalamatan naman ng Chief Executive ang mga awardees para sa kanilang “outstanding public service.”

“Congratulations are not sufficient but a note of gratitude for the service you put in. It is arguable to say that the way of life of a soldier, a policeman, and a teacher could be described as one of the most difficult and often thankless jobs we ask our citizens to do, and yet you did it and you did it well,” ayon sa Pangulo.

“I know, as you know, that you need no award for the things you do and it is not the reason why you do them – not for thanks, not for praise, not for honors. You do what you do because you feel the need to continue with your service and you find fulfillment in that.” dagdag na pahayag nito.

Umaasa naman ang Punong Ehekutibo na ipagpapatuloy ng mga guro, sundalo at police officers na kasama bilang outstanding Filipino ang mahalagang gampanin sa pagtataguyod ng bansa.

Pinuri rin ng Pangulo ang commitment ng mga ito na magsilbi sa publiko sa kabila ng mga hamon na masasagupa nila sa mga darating na panahon.

“Just do what you believe to be right and do it with all your heart. This is what you have done. This is what you have kept to the idea that no matter what challenges are put before you, you will continue to serve,” ayon sa Pangulo.

Samantala, pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang MetroBank Foundation at partners nito sa pagkilala sa “excellent work and dedication” ng mga pinangalanang outstanding Filipino sa kani-kanilang propesyon.

“Let me also thank Metrobank Foundation and its partners for spearheading initiatives such as this. This is a program that has been going on for 30 years and again it is clear, it demonstrates a clear understanding of what we are looking for in terms of public servants from our local communities, from our police, from our soldiers, and our teachers,” ang wika ng Pangulo.

Pumili ang Metrobank Foundation, Inc. ng awardees base sa kanilang accomplishments, kabilang na ang “innovations in their respective institutions, as well as advocacies that benefit several communities.”

Ang bawat awardee ay makatatanggap ng P1 milyong piso, golden medallion, at “The Flame” trophy sa conferment rites. Kris Jose