PBBM pinuri ng UN sa ‘youth, peace, security’ advocacy

PBBM pinuri ng UN sa ‘youth, peace, security’ advocacy

November 12, 2022 @ 2:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinuri ng United Nations (UN) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang inisyatiba para sa  “youth empowerment, peace-building, at security.”

Sa isang kalatas, sinabi ng  Office of the Press Secretary (OPS) na habang idinadaos ang   Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-UN Summit, tinukoy ni UN Secretary-General António Guterres si Pangulong Marcos “for taking the lead in youth involvement for the ASEAN.”

Sa nasabing summit, ipinahayag ng Pangulo ang commmitment ng Pilipinas sa “youth, peace at security agenda” kasabay ng paglulunsad ng  National Action Plan (NAP) on youth, peace, and security ng Pilipinas noong nakaraang  Agosto 2022, which is the fourth of its kind in the world,” ayon sa OPS.

Sinabi pa ng Malakanyang na tiniyak ni Pangulong Marcos sa global body na ipagpapatuloy ng Pilipinas na palakasin ang  kasunduan nito sa  UN.

“As I mentioned during our meeting in New York, we intend to enhance our role in peacekeeping operations, especially where there is a huge concentration of overseas Filipinos,” ang pahayag ni Pangulong  Marcos.

Inalala ang kanyang naging talumpati sa UN General Assembly dalawang buwan na ang nakalilipas, sinabi ng Pangulo  na ang climate change ay  “the greatest threat affecting nations and the people,” sabay sabing isa itong global problem na nangangailangan ng malakas na liderato mula sa UN.

“Let me reassure you, Secretary General, that the Philippines is committed to supporting and collaborating with the UN in the global effort to fight climate change and other environmental issues,” ayon sa CHief Executive.

“The Philippines’ commitment to an open, inclusive and rules-based international order is unwavering, ang pahayag pa rin ng Pangulo. hinikayat naman nito ang mga miyembro ng international laws,   particular, the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” anito.

“The President also announced that the country achieved 120 out of 140 action lines of the 2021-2025 ASEAN-UN Plan of Action, ayon sa  OPS.

Ipinahayag naman ni Pangulong Marcos ang kanyang  “appreciation” o pagpapahalaga  para sa kooperasyon at tulong ng  ASEAN sa UN sa pamamagitan ng COVAX facility para tugunan ang COVID-19 pandemic.

“Our close cooperation has helped see all of us through the worst of the pandemic. I am looking forward to further cooperation in our pandemic recovery efforts to ‘build back better,” ang wika ng Pangulo. Kris Jose