PBBM pinuri si Yulo sa pagkapanalo ng 2 ginto sa World Cup series

PBBM pinuri si Yulo sa pagkapanalo ng 2 ginto sa World Cup series

March 14, 2023 @ 8:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Carlos Edriel Yulo nang muling makasungkit ng ginto sa katatapos na FIG Artistic Gymnastics World Cup Series sa Baku, Azerbaijan, noong Sabado, March 11.

“We celebrate another shining moment in the world of gymnastics with Carlos Yulo’s double gold medal victory at the 2023 FIG Artistic Gymnastics World Cup Series in Baku, Azerbaijan. Congratulations, Carlos, and keep making history!” ang nakapost sa  Facebook page ni Pangulong Marcos.

Sa ulat, dinomina ni Yulo ang Men’s Vault tournament kung saan ay naka score siya ng 14.933 points. nakuha naman ng taga Britanya na si Harry Hepworth na nakakuha ng 14.816 upang makuha ang silver na medalya habang naiuwi ni Shek Wai Hung ng Hong Kong ang bronze medal ng maka score ito ng 14.716 points.

Sa serye ng laban ni Yulo, bukod sa gintong medalya na nakuha niya, nakasungkit din siya ng dalawang silver medal at dalawa ring bronze.

Sunod na paghahandaan ni Yulo ang pang-apat at huling serye ng World Cup na gaganapin sa Cairo, Egypt sa April 27 hanggang 30.

Ang serye ng World Cup ngayong taon ay isang qualifier para sa gaganaping 2023 FIG Artistic Gymnastics World Championships sa Antwerp, Belgium sa September 30 hanggang October 8. Kris Jose