PBBM posibleng bumisita sa Indonesia o Singapore bago dumalo sa UNGA – envoy

PBBM posibleng bumisita sa Indonesia o Singapore bago dumalo sa UNGA – envoy

August 17, 2022 @ 8:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Maaaring bisitahin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Indonesia o Singapore para sa kanyang unang overseas trip bilang Pangulo ng bansa.

Pagpapanatili ito ng tradisyon ng mga Pangulo ng Pilipinas na pumili sa kahit na anumang Southeast Asian nation para sa kanilang unang foreign trips.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babe” Romualdez na may ganitong plano si Pangulong Marcos bago pa ang kanyang byahe sa Estados Unidos para sa kanyang pagdalo sa United Nations’ General Assembly (UNGA).

“Ang proposed visits niya, uunahin niya yung Indonesia sana. The President is looking at his schedule kung saan siya makakapunta but definitely it will before he goes to New York,” ayon kay Romualdez.

Kinonsidera ang bansang Singapore dahil nagpadala rin ito ng imbitasyon kay Pangulong Marcos para sa isang state visit.

“Yang dalawang bayan na ‘yan is already on the table at pinaplano na lang ng DFA kung ano yung appropriate time for him to be able to visit these two ASEAN countries,” ang pahayag ni Romualdez.

Samantala, ang magiging partisipasyon naman aniya ni Pangulong Marcos sa UNGA sa New York sa Setyembre ay “more or less confirmed”,.

Sa kasalukuyan, inaayos na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang iskedyul ni Pangulong Marcos.

“Kinonfirm namin siya sa United Nations. Pero ngayon pa lang, we are actually fixing his schedule kasi maraming invitations si President Marcos to visit many countries,” ani Romualdez.

“Yung sinabi naman niya, yung UN importante sa atin ‘yan. So I think more or less confirmed na yan,” dagdag na pahayag nito.

“The UNGA is the main policy-making organ of the United Nations. The decisions it makes include appointing the secretary-general, electing the non-permanent members of the Security Council, and approving the UN budget,” ayon sa UN website.

“The Assembly meets in regular sessions from September to December each year, ” anito.

“If ever Marcos decides to go to the event, it would be the first time he would meet with world leaders,” ayon naman kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Kris Jose