PBBM: Public-private partnership style system, kailangan sa pagpapalago ng MSMEs

PBBM: Public-private partnership style system, kailangan sa pagpapalago ng MSMEs

October 24, 2022 @ 12:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Kumbinsido si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  na malaki ang magagawa ng private financiers at investors para makatulong sa mga maliliit na businessmen na lumago ang kanilang negosyo. 

Ani Pangulong Marcos,  may papel na gagampanan  ang Department of Trade and Industry (DTI) upang makapaglatag ng sistema para sa partnership ng MSMEs at ng mga mamumuhunan.

Ang sistemang dapat aniya na mabuo ay ang koneksiyong magbibigay sa mga maliliit na negosyo ng impormasyong kailangan nito para mapalawak  ang kanilang kalakal sa tulong na din ng nasa pribadong sektor. 

Isa na aniya rito ayon sa Pangulo ay ang maipakilala sa MSMEs ang digital world na aniya’y magsisilbing daan para makakonekta sa mga pribadong kumpanya at makamit ang kailangang suporta. 

Nauna na  ring sinabi ng Punong Ehekutibo sa kanyang  State of the Nation Address (SONA) ang kanyang commitment para makipag -tulungan sa lahat ng stakeholders matiyak lang na protektado ang mga maliliit na negosyante at maibigay ang oportunidad sa mga ito. Kris Jose