PBBM: Reporma ikasa vs smuggling; pagne-negosyo, padaliin

PBBM: Reporma ikasa vs smuggling; pagne-negosyo, padaliin

January 14, 2023 @ 11:06 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magsagawa ng reporma sa burukrasya para labanan ang smuggling, babaan ang logistics costs at tiyakin na magiging madali ang pagne-negosyo.

Ito’y habang sinusuportahan ng gobyerno ang investments at business activity sa bansa.

Sa isinagawang pakikipagpulong sa Private Sector Advisory Council (PSAC), sinabi ng Pangulo na ang kasalukuyang sistema ay hindi gumagana, at binigyang-diin na kailangang gumawa ng paraan ang pamahalaan para tugunan ang malaganap na smuggling.

“To be brutally frank about it, we have a system but they are not working. The smuggling here in this country is absolutely rampant. So it does not matter to me how many systems we have in place, they do not work,” ang winika ng Pangulo sa mga miyembro ng PSAC sa Malakanyang.

“So we really have to find something else. We cannot continue to depend on these systems which have already proven themselves to be quite ineffective,” giit ng Punong Ehekutibo.

“Whether the systems are ineffective or whether it’s the way they’re being operated or the result of side deals by the people, the end result is that the systems currently in place are not working, ” ayon kay Pangulong Marcos.

Sinabi pa ng Punong Ehekutibo na hindi hahayaan ng gobyerno na “mawalis na lamang ang isyu at itago sa ilalim ng basahan” dahil malaki ang pinsala nito sa estado at private businesses.

Ayon sa Pangulo, “issues on the ease of doing business and the inefficiency of the country’s airports and seaports are the major complaints he is receiving from the business sector.”

Kailangan aniya na maging mas “innovative” ang mga concerned agencies sabay sabing ” the government has to delineate functions or establish new agencies if necessary to be effective.”

Isa sa rekomendasyon na binanggit ay ang buksan ang database sa Bureau of Customs (BOC) at sa Department of Agriculture (DA) upang tiyakin ang epektibong pagbabahagi ng impormasyon.

Sinabi ng mga opisyal, na isa itong paraan para sa oag-uugnay ng impormasyon para labanan ang smuggling.

Maging ang mga enforcers, anila ay mayroong problema sa pagtugis sa mga smugglers dahil sa documentary requirements o paper chase. Kris Jose