PBBM sa 8.1% inflation: Produksyon dapat palakasin

PBBM sa 8.1% inflation: Produksyon dapat palakasin

January 6, 2023 @ 10:16 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangang paghusayin pa ang produksyon lalo na sa agricultural products kasunod ng 8.1% inflation rate noong Disyembre 2022.

Ininguso naman ni Pangulong Marcos ang mataas na inflation rate sa sobrang dami ng importasyon.

“It’s still agricultural products, 38 percent of the inflation — 11 percent is fuel, 38 percent is agricultural products pa rin. Kaya’t kailangan talagang ayusin ‘yung production natin. Kasi import tayo nang import. So ‘yung inflation doon sa ini-importan (import) natin nadadala dito sa Pilipinas,” ang wika ni Pangulong Marcos sa isang panayam.

“Kaya’t we have to improve our production. We have to improve all of that. Kaya naman talagang central ang agriculture sa lahat. Thirty eight percent of the inflation comes from the agricultural products. We talked about fuel. Eleven percent ang fuel.So ‘yun ang dalawa talaga na kailangan natin tutukan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

“The 8.1 percent inflation rate is the fastest since November 2008’s 9.1%,” ayon naman kay National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa.

Sa ulat, umangat pa sa 8.1 porsiyento noong Disyembre ang inflation rate sa bansa mula sa 8.0 porsiyento noong Nobyembre.

Sa inilabas na impormasyon ng Philippine Statistics Authority (PSA), ito ang pinakamataas noong 2022 at simula noong Nobyembre 2008.

Sa pagkukumpara, noong Disyembre 2021 ang inflation rate ay 3.1 porsiyento.

Umangat din sa 7.0 porsiyento mula sa 6.5 porsiyento noong Nobyembre ang bayad sa ‘restaurants and accomodation services.’

Nakapag-ambag din ang pagtaas sa bayad at presyo sa bahay, tubig, kuryente at mga produktong-petrolyo. RNT