PBBM sa 8.1 inflation rate: ‘Rate of increase slowing’

PBBM sa 8.1 inflation rate: ‘Rate of increase slowing’

January 6, 2023 @ 4:54 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bumagal ang bilis o rate ng inflation.

“The Philippines’ consumer price index rose 8.1 percent in December 2022, 0.1 percent faster than the 8 percent recorded in November 2022,” ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.

“At least 8.1, nag-increase lang ng 0.1,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa isang panayam.

“The rate of increase is slowing,” aniya pa rin.

Wika ng Pangulo, kailangang agad na matugunan ng gobyerno ang isyu sa agriculture sector dahil ang presyo ng pagkain ay patuloy na nagsisilbing “main driver” ng inflation sa bansa.

“It’s still agricultural products kaya’t kailangan talagang ayusin yung production natin,” ayon sa Pangulo, tumatayong hepe ng Department of Agriculture.

Sa ulat, mas bumilis sa 8.1% ang pagmahal ng mga bilihin sa bansa nitong Disyembre 2022.

Ito na ang pinakamataas na naitalang inflation simula noong Nobyembre 2008 ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Isa sa mga nag-ambag ng malaki sa pagtaas ng inflation ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga pagkain lalo na ang gulay.

Ayon kay Usec. Dennis Mapa, malaki ang kontribusyon ng pagtaas ng presyo ng mga gulay sa December 2022 inflation rate.

May ambag din aniya ang mas mabilis na pagtaas ng presyo ng mga Noche Buena items noong Disyembre. Kris Jose