PBBM sa AFP: Military modernization, tuloy!

PBBM sa AFP: Military modernization, tuloy!

December 20, 2022 @ 8:18 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itutuloy ng administrasyong Marcos ang pag-upgrade sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng internal at external threats.

“Rest assured to all the AFP and all the uniformed services that this administration remains committed to the modernization,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa 87th Anniversary ng AFP sa Camp Emilio Aguinaldo, araw ng Lunes, Disyembre 19.

“We will be partners towards your vision of a strong, credible, world-class armed force that is a source of national pride and the source of national security,” wika pa nito.

Hindi naman idinetalye pa ng Pangulo ang kanyang plano para sa nasabing modernisasyon.

Ang binanggit lamang ng Pangulo ay dapat na may kakayahan ang puwersa ng militar para ipagtanggol ang bansa mula sa kahit na anumang pagbabanta lalo na sa kanilang vast seas.

Sa ulat, ang halaga para gawing modernisado ang AFP ay ₱2.2 trillion — nagsimula ngayong taon, 2012. Papasok ito sa third phase, o Horizon Three sa 2023 na tatagal naman hanggang 2028.

Plano naman ng AFP na bumili ng mas maraming multi-role fighter aircraft at medium tanks.

Sa kabuuan, ang kapayapaan pa rin ang ultimate goal ayon sa Pangulo.

“My marching guidance has always remained constant: we commit to the cause of peace. The security and stability of the country remains the priority. I call on you to continue performing your duties as you have had for many, many years and competently so, so that our country can achieve peace and security, and sustain economic prosperity,” ayon sa Chief Executive. Kris Jose