PBBM sa communication experts: Makiisa kontra fake news

PBBM sa communication experts: Makiisa kontra fake news

September 2, 2022 @ 4:14 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa mga  communication experts na makiisa sa kanyang administrasyon na labanan ang mis-information at fake news.

Sa isinagawang 2022 National Public Relations Congress, sinabi ni  Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na kumpiyansa si Pangulong Marcos  na  magagamit ng  communications professionals ang kanilang boses para  “leverage positive communication in stirring the nation towards full recovery and lasting unity.”

“The President likewise urges you to join the government in fighting against the proliferation of misinformation and disinformation through inclusive, compassionate, and responsible communication,” ayon kay Cruz-Angeles sa isang talumpati na inihayag sa public relation (PR) officers at communication experts sa  Peninsula Manila in Makati City.

Ang pahayag na ito ni Cruz-Angeles ay kaalinsabay ng paglulunsad  ng administrasyong Marcos ng  “One Messaging Policy” na naglalayong pigilan  ang “disinformation, misinformation at malinformation” sa pamamagitan ng close collaboration sa hanay ng mga ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng executive branch.

Ani Cruz-Angeles, nais ng pamahalaan ang  “single messaging” dahil seryoso ito ukol sa pagpapaunlad ng  “renewed sense of unity” sa bansa.

Aniya, ang paigtingin ang kampanya na naglalayong ihinto ang propagasyon ng fake news ay makapagpapalakas sa bansa.

“By doing so, our country will emerge stronger as we pass this tipping point, a nation where our words may not only be expressed freely but may also be used as an instrument to shape our country’s future,” anito.

Ang National PR Congress ay taunang  event na ang nagsisilbing host ay  non-profit organization Public Relations Society of the Philippines at dinadaluhan naman  ng mga  local at international delegates na pawang PR at communication professionals.

Sinasabing, ang unang 2022 National PR Congress ay nakatuon sa “role of positive communication in nation-building, training “tomorrow’s truth champions”, harnessing data innovation for truth and good, communicating wellness through the pandemic, and the five-year roadmap that reenvision the new normal.”

Noong nakaraang buwan, sinabi ni Cruz-Angeles na ang  OPS ay magpapalabas ng  mas  “more comprehensive” feedback mechanism  upang magawa ng  Marcos administration na maging mas  “more responsive”  sa mga pangangailangan ng mga  Filipino.

Samantala, kinilala naman ni Cruz-Angeles ang kahalagahan ng public feedback  sa  performance ng gobyerno. Kris Jose