PBBM sa CSC: Competent state workforce tiyakin

PBBM sa CSC: Competent state workforce tiyakin

September 20, 2022 @ 6:58 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Civil Service Commission (CSC) na ipagpatuloy lamang na maging isang karapat-dapat at maaasahang manggagawa sa public service.

Umaasa rin ang Pangulo na patuloy na paiigtingin ng CSC ang pangangasiwa sa ahensiya.

Sa video message, inilabas nitong Setyembre 19, sa pagdiriwang ng ika-122 anibersaryo ng CSC, tinukoy ni Pangulong Marcos ang mahalagang papel ng CSC bilang central personnel agency ng pamahalaan.

“Tunay na mahalaga ang inyong ginagampanan sa pamahalaan sapagkat tinitiyak ninyo karapat-dapat ang galing ng mga lider at kawani na magsisilbi sa gobyerno,” ayon sa Punong Ehekutibo na kasalukuyan ngayong New York para sa United Nations General Assembly.

Isa aniyang malaking karangalan para sa kanya na makasama sa nasabing pagdiriwang lalo na ngayon na mayroon aniyang “stronger pitch for unity as a driving force for the nation’s socio-economic development.”

Sa kabilang dako, hinikayat din niya ang CSC na patuloy lamang na gawin ang lahat ng kakakaya sa pagganap sa kanilang mandato.

“Patuloy sana ninyo paigtingin at pagbutihin ang inyong pangangasiwa sa pangkalahatang prosesong nagsasaayos at nagpapatibay ng antas ng serbisyo sa pamahalaan at pampublikong mga tanggapan sa ating bansa. Hangad ko ang isang maligayang pagdiriwang para sa inyong ika-isang daan at dalawampu’t dalawang anibersaryo,” ayon sa Pangulo.

Siniguro naman ng Punong Ehekutibo na pagtitibayin ng gobyerno ang pagkakaisa tungo sa ikauunlad ng paglilingkod sa mga Pilipino.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Chairperson Karlo Alexei Nograles ang CSC na responsable para sa mga patakaran, plano, at programa tungkol sa lahat ng empleyado ng serbisyong sibil. Kris Jose