PBBM sa DENR: Regulatory powers sa small, large-scale mining palakasin

PBBM sa DENR: Regulatory powers sa small, large-scale mining palakasin

November 22, 2022 @ 4:48 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Inatasan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na palakasin ang  regulatory powers  nito pagdating sa “small at large-scale mining.”

Sa naging pulong ng Pangulo kasama ang mga opisyal ng  DENR, sinabi ng Chief Executive na ang pagpapahusay sa regulatory powers ay makapagbibigay katiyakan na ang  standards ay updated at mahigpit na ipinatutupad ng mga mining firms ang kani- kanilang  “safety and health programs” para sa kanilang mga manggagawa.

Mayroon aniyang pangangailangan na  mas lalo pang paghusayin ang  social protection at  seguridad para sa mga manggagawa sa mining sector.

Binatikos naman nito ang ilang miners na walang ‘proper training’ o kapos  sa safety measures.

“Gusto natin ma-legalize ang mga small-scale mining firms kasi madami sa kanila illegal, kaya walang protection ang mga minero. Gusto nating palakasin ang regulatory framework para maka-operate sila ng legal, upang mabigyan ang ating minero ng assistance at protection para sa ligtas nilang pagtatrabaho,” ang wika ni Pangulong  Marcos.

“We might be able to access financing, they might be able to access social protection,” aniya pa rin sabay sabing, “Ang kawawa diyan ‘yung mga miners. They’re really not… they have no safety. Ang daming namamatay.”

Sa kabilang dkao, sinabi naman ng Office of the Press Secretary na may mga batas na maaaring “i-certify as urgent” ni Pangulong Marcos kabilang na ang pag-amiyenda sa Republic Act No. 7076  na “incentivize small-scale mining (SSM) and to provide social assistance and labor protection as well as government assistance programs.”

Sa ilalim ng RA No. 7076, o  Act Creating A People’s Small-Scale Mining Program, ang SSM ay tumutukoy sa  mining activities na  umaasa o pinanghahawakan ang manual labor gamit ang simpleng implementasyon at pamamaraan.

Ang pakahulugan naman ng batas sa  small-scale mining ay  isang aktibidad na  “does not use explosives or heavy mining equipment.”

“I think for now the need is for the regulatory capabilities, especially the small scale,” the President pointed out,” ayon kay Pangulong Marcos.

Samantala, sinabi pa ng OP, na iniulat din ng DENR  kay Pangulong  Marcos  ang resulta o kinalabasan ng nagtapos na 27th Conference ng Parties of the United Nations Framework Convention on Climate Change.

Idagdag pa, ang detalye ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund  ay ipinresenta ng  Office of Civil Defense, implementing arm ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council. Kris Jose