PBBM sa DILG at PNP: Private armies lansagin, hotspots sa NegOr tukuyin

PBBM sa DILG at PNP: Private armies lansagin, hotspots sa NegOr tukuyin

March 7, 2023 @ 8:34 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police na lansagin ang mga private army at alamin ang mga lugar na itinuturing na “hotspots” kung saan madalas na inaatake ang mga lokal na opisyal.

Ang kautusan na ito ng Pangulo ay bunsod na rin ng ulat ng sunod-sunod na pagpatay sa ilang lokal na opisyal kabilang na ang kaalyado niyang si Negros Oriental Governor Roel Degamo noong nakaraang linggo.

ā€œSabi ko, ā€˜Gawin ninyo ulit ngayon… Think kung ano yung mga hotspot, mga mainit na lugar,ā€™ā€ ayon kay Pangulong Marcos Jr. sa isang panayam.

ā€œAng usual naman na dapat gawin diyan ay hanapin yung illegal firearms. Basta kakaunti ang illegal firearms, kakaunti ang ganiyang klaseng krimen,ā€ anito sabay sabing ā€œYang mga private army na ganiyan, kailangan idismantle lahat yan. That’s what we have asked them to do.”

Inilarawan naman ni Pangulong Marcos ang pagpatay kay Degamo bilang ā€œparticularly terrifyingā€ at ā€œpurely political.ā€

ā€œIt was shocking. I could not believe that this would still happen. Pinasok ba naman yung sarili niyang bahay. When you see the video, talagang lahat na haharap sa kanila, babarilin nila. Yung ibang pinatay nila walang kinalaman sa kanilang gulo,ā€ ang wika ng Pangulo.

ā€œThis one is particularly terrifying… This does not belong in our society. Hindi puwede yung ganiyan. Hindi natin pababayaan… Ito this is purely political, yung kay Roel [Degamo].ā€ aniya pa rin.

Sinabi ng Pangulo na handa ang pamahalaan na magbigay ng proteksyon sa mga lokal na opisyal na sa tingin nila at isip ay target din sila ng asasinasyon.

ā€œRight now, everybody talagang binibigyan namin ng protection. We don’t have details yet kung sino man who feels aggrieved or whatever,ā€ ayon sa Chief Executive.

ā€œMainit ngayon yan, the emotions are running high so I’ve asked yung joint Army and police, and between them I said, ā€˜Keep your presence known and felt para hindi magkagulo,ā€ anito.

Samantala, kasalukuyan namang nagsasagawa ang mga awtoridad ng tinawag na “drag netā€ habang patuloy namang tinutugis ang iba pang suspek sa pagpatay kay Degamo, ayon sa Pangulo.

ā€œSo far, maganda naman ang nagiging imbestigasyon. Marami silang nakukuhang information so mabilis naman ang paghuli sa ating mga suspects,ā€ ani Pangulong Marcos.

ā€œWe are looking and getting the best intelligence we can from our people on the ground to tell us where are the places we should be looking at, where do we need more people, where do we need more personnel, who are the people involved… so we get a good read on the intelligence.ā€ aniya pa rin. Kris Jose