PBBM sa DOJ: Pagpapalaya sa mga bilanggo na kwalipikado sa parole, ipagpatuloy

PBBM sa DOJ: Pagpapalaya sa mga bilanggo na kwalipikado sa parole, ipagpatuloy

January 10, 2023 @ 5:50 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Justice (DOJ) na ipagpatuloy lamang ang pagpapalaya ng mga bilanggo o persons deprived of liberty (PDLs), na kwalipikado sa parole.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang nasabing kautusan ay ginawa ng Pangulo sa Cabinet meeting sa Malakanyang, araw ng Martes.

Sa nasabing miting, binigyang halimbawa ng Pangulo ang kanyang naging karanasan bilang gobernador ng Ilocos Norte, karamihan aniya sa PDLs ay nanghihina na sa kulungan dahil hindi nila kanyang kumuha ng serbisyo ng magaling na abogado.

“Wala naman silang magaling na abugado. So that’s why we are in favor now to release many of them,” ayon kay Pangulong Marcos sabay sabing “They just needed representation to set them free. So let’s continue with that.”

Sa kabilang dako, suportado naman ni Pangulong Marcos ang plano ng DoJ na ilipat ang mga tigasing kriminal sa isang Alcatraz-type prison, kung saan ay ia-isolate ang mga ito sa general jail population at upang matigil na ang kanilang criminal activities, lalo na iyong nagagawa pa ring magkaroon ng direct operations kahit pa nakakulong.

Tinuran pa ng Pangulo na ang malaganap na korapsyon sa loob ng Bureau of Corrections (BuCor) ang binigyang diin niya kung bakit may pangangailangan na ilipat ang mga nasabing bilanggo sa special facilities.

“Iyan ‘yung mga ganoon we have to do that para hindi na maka-contact. Alam mo, we have to isolate them properly,” ayon sa Pangulo. Kris Jose