PBBM sa DOST: Mag-alok ng mas maraming scholarship

PBBM sa DOST: Mag-alok ng mas maraming scholarship

November 24, 2022 @ 7:00 AM 6 days ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Science and Technology (DOST) na mag-alok ng mas maraming scholarship sa mga mag-aaral para makalikha ng mas malaking grupo ng mga siyentipiko, mananaliksik at innovator na tutulong sa paghahanap ng mga solusyon sa malawak na hanay ng mga problema sa bansa, tulad ng pagbabago sa klima at food security.

“Through this, we will institute a scholarship program, specifically for STEM (science, technology, engineering, mathematics) students and this will not be limited to those who have shown their capabilities, their ability and how they deserve these scholarships here in the Philippines but to any institution that they are accepted to abroad,” anang Pangulo.

Idinagdag ni Marcos na tiwala siya sa DOST na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay makakatulong sa unti-unting pagtatatag ng Pilipinas bilang isang sentro ng kahusayan sa pananaliksik at pag-unlad.

Samantala, hinimok niya ang mga Filipino scientist na manatili sa Pilipinas upang ibahagi ang kanilang kadalubhasaan.

“I urge you to stay in the country as you pursue your career. We will continue to support you and continue to look to you to be active partners of the government,” anang Punong Ehekutibo. RNT