PBBM sa DSWD: ‘Continue calibrating 4Ps’

PBBM sa DSWD: ‘Continue calibrating 4Ps’

January 31, 2023 @ 5:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipagpatuloy ang pag-calibrate sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Nais din ng Pangulo na ituloy ng departamento ang pag-develop sa iba pang social protection initiatives ng gobyerno.

“Continue calibrating the Pantawid Pamilyang Pilipino Program and strengthening the government’s social protection initiatives, especially since one of the measures we undertake to address poverty is through the grants that we provide for the health needs of every household and education of our children,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati sa 72nd founding anniversary ng DSWD.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay isang poverty alleviation program ng national government na nagbibigay ng conditional cash grants sa “extremely poor households” para mapahusay ang kanilang kalusugan, nutrisyin at edukasyon ng mga kabataan na may edad na 0-14.

Nauna nang naiulat na naibaba na ng ahensiya ang bilang ng mga benepisaryo na inalis mula sa 4Ps kung saan umaabot na lamang ito sa 800,000 mula sa initially planned na 1.3 milyon.

Tinawagan naman ng pansin ng Pangulo ang DSWD na patuloy na ipatupad ang Unconditional Cash Transfer program upang magbigay ng cash grants sa “poor households and individuals.”

Inatasan ni Pangulong Marcos ang ahensiya “to enhance the Social Pension Program for Indigent Senior Citizens as a means to augment their daily subsistence and medical needs.”

“I encourage the DSWD once again to remain steadfast in your commitment to ensuring that more Filipinos will be provided with quality service in the coming years,” ayon kay Marcos.

“The work that you do is crucial, and I am assured that with your dedication and hard work, we will continue to make progress in uplifting the lives of our fellow Filipinos,” dagdag na wika nito.

Samantala, kinilala naman ni Pangulong Marcos ang pagsisikap ng DSWD na bawasan ang “kahirapan at kagutuman” at maging ang makamit ang upper-middle income status sa 2025.

“These same efforts and sacrifices are driven by two things: your faithfulness to service, and a true, genuine love for the Filipino people. Most important qualities that we need in the social programs of our government,” ayon sa Chief Executive.

“I know this because I have witnessed you working long hours, making many sacrifices, even risking life and limb to give our people the service that they need and that they deserve, especially to the vulnerable and the disadvantaged,” aniya pa rin. Kris Jose