PBBM sa DSWD: Hagip ng Mindoro oil spill ayudahan

PBBM sa DSWD: Hagip ng Mindoro oil spill ayudahan

March 4, 2023 @ 11:22 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – PANGUNGUNAHAN ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilya at indibidwal sa Oriental Mindoro na apektado ng oil spill mula sa lumubog na motor tanker sa bayan ng Naujan.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang mga apektadong mangingisda ay bibigyan ng “special attention.”

“The government, through the Department of Social [Welfare] and Development, is prepared to provide various forms of assistance to families and individuals affected by the oil spill caused by the submerged MT Princess Empress in Oriental Mindoro,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas.

Nauna rito, tuluyan nang lumubog kamakalawa, Marso 1 ang motor tanker na MT Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel sa karagatang sakop ng Balingawan Point, Naujan sa nasabing lalawigan.

Minomonitor ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang insidente upang makita ang posibleng pinsala nito sa marine biodiversity at ang epekto ng tumagas na langis sa kabuhayan ng mga residente malapit sa baybayin ng Naujan.

Sinabi pa ng Pangulo na ang gobyerno at ang Philippine Coast Guard (PCG) ang magsisilbing lead agency, na mahigpit na naka-monitor sa mga kaganapan.

Makikipagtulungan naman ang DENR sa International Maritime Organization at Department of the Interior and Local Government (DILG) para magbigay ng suporta at idetermina ang “specific needs.”

“We also thank the private corporations like Petron and Shell, who have offered their help by lending us the needed equipment to mitigate the impact of the oil spill,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose