PBBM sa Filipino envoys: Interes ng Pinas unahin, protektahan

PBBM sa Filipino envoys: Interes ng Pinas unahin, protektahan

December 2, 2022 @ 7:33 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan  si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino diplomat na isulong at protektahan ang interes ng Pilipinas sa kani-kanilang bansa kung saan sila itatalaga.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. called on the newly-appointed Philippine Ambassadors Extraordinary and Plenipotentiary to ‘promote and protect Philippine interests while maintaining good relations in the foreign countries where they will be posted’,” ayon sa pahayag na inilabas ng Office of the President.

Hinimok ni Marcos ang mga opisyal na gawin ang lahat ng pagsisikap upang makamit ang layunin ng kanyang administrasyon na magdala ng progreso at pag-unlad sa bansa, sinabi ng state-run Radio Television Malacañang (RTVM) sa isang hiwalay na post sa social media.

Hiniling din sa kanila na tulungan ang administrasyon na palakasin ang paglago ng ekonomiya ng bansa upang magkaroon ng mas magandang buhay ang mga Pilipino. RNT