PBBM sa gov’t agencies: Paglaban kontra kahirapan, kapayapaan paigtingin

PBBM sa gov’t agencies: Paglaban kontra kahirapan, kapayapaan paigtingin

February 20, 2023 @ 5:41 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan  at palakasin ang  national security.”

Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony  ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National Anti-Poverty Commission (NAPC), Marawi Compensation Board (MCB), Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) sa Palasyo ng Malakanyang, sinabi ng Pangulo na sa kabila ng maraming bilang ng mga filipino ang hindi pamilyar sa mga nasabing ahensiya, ang mahalaga aniya ay ang trabaho ng mga ito.

“We know how important your work is. And that is why it is very, very important that you understand that we must work together because we are here willing, and we are here to support all the advocacies that your agencies represent. And that is our end of this bargain,” ang sinabi ng Pangulo sa mga opisyal.

“And of course, we are very confident in the performance that you will show after now that we have made official your positions in the different agencies. So I look forward to hearing from you as you get to settle into your jobs,” dagdag na wika ng Pangulo.

Hinikayat din ng Chief Executive ang mga newly sworn-in officials na pag-aralang mabuti ang kanilang organisasyon at alamin kung ano pa ang dapat gawin upang magawang tumulong at makialam ng pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga mamamayan.

“Palagi kong sinasabi na marami tayong pinaplano na maganda para sa ekonomiya ng Pilipinas,” ayon sa Pangulo.

“Ngunit kung hindi – sabihin na natin gumanda nang husto ang ekonomiya ng Pilipinas, hindi naman bumababa at hindi naman nararamdaman ng taong-bayan eh sayang lang ang ating naging trabaho. Iilan lang ang yumayaman,” aniya pa rin.

“NAPC’s mandate can come into play,” ayon pa rin sa Punong Ehekutibo, tumutulong ang ahensiya sa pamamahagi ng wealth equitably,  habang ang OPAPRU, sa kabilang dako ay para naman sa  peace process.

Sa kaso ng Marawi City, sinabi ng Pangulo na mayroong talakayan ukol sa kung paano sisimulan ang rehabilitasyon at paano pauuwiin sa kani-kanilang tahanan ang mga residente roon.

“As we can all realize it is not a very quick process, hindi naman puwedeng imadali. Ngunit kailangan talaga nating simulan at maraming nag-aantay na hindi pa nakakauwi,” ani Pangulong Marcos.

“Panahon na siguro, na pagkakataon na gawin natin ang lahat may makita man lang na pagbabago, may progress, para naman ay may maaasahan ang mga residents ng Marawi,” lahad ng Pangulo. Kris Jose