PBBM: Sa kabila ng ‘out of control’ inflation, ekonomiya ng Pinas ‘on track’

PBBM: Sa kabila ng ‘out of control’ inflation, ekonomiya ng Pinas ‘on track’

December 7, 2022 @ 9:56 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Patuloy ang pag-recover ng Pilipinas mula sa negatibong epekto ng COVID-19 pandemic kahit pa tumaas ang inflation rate ng bansa sa 8% nitong Nobyembre.

Sa naging talumpati ni Pangulong Marcos sa 11th Arangkada Philippines Forum sa Pasay City, sinabi ng Chief Executive na ang bansa ay “on track” na panatilihin ang malakas na economic performance at makamit ang growth target ng gobyerno na 6.5 hanggang 7.5% para sa taong 2022.

Aniya, bagama’t ang Philippine growth rate ay “looks healthy”, sinabi nito na ang inflation ay “running rampant and out of control.”

“We just received the poor news from the Philippine Statistics that November, we hit 8 percent,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Ang data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nagpapakita ng pagtaas ng inflation ng 8% noong nakaraang buwan, mas mabilis sa 7.7% noong Oktubre.

Ang pinakabagong pigura ay “highest recorded inflation since November 2008” ng bansa, nang tumaas ito sa 9.1% sa gitna ng global financial crisis, ang anunsyo ng PSA deputy national statistician Divina Gracia del Prado.

Sa kabilang dako, kasalukuyang kinikilala ng gobyerno ang mga “areas of the economy” na itinuturong ‘main drivers’ ng inflation kabilang na ang imports.

“The main drivers of that inflation, unfortunately, are still imported – is still imported inflation. So again, import substitution is still a good idea not only for foreign exchange reserve but also so that we can keep our inflation rate down,” ayon sa Pangulo.

Upang makahikayat ng mas maraming foreign direct investments, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang administrasyon ay patuloy na gumagawa ng “closer partnerships” sa iba’t ibang ‘chambers of commerce’ dahil mahalaga ang partisipasyon ng pribadong sektor sa “quest for economic positioning in the world” sa bansa.

“I consider the participation of the private sector, both local and foreign, to be absolutely to our success. So that is why we must continue this partnership between the chambers of commerce, the private sector and government,” anito.

Hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang local at foreign business leaders na mamuhunan sa mga ‘key areas’ gaya ng “education and skills training; digitalization of processes; and research and development” para matulungan ang pamahalaan sa pagsisikap nito na “i-transform” ang ekonomiya ng Pilipinas.

“I do not talk about recovery because I do not want to recover the Philippine economy to what it was in 2019. That is not going to work anymore. Whatever economy is going to be formed in the next few months, the next few years, it will be very different from what we were doing,” aniya pa rin.

Nangako naman ang Pangulo na palalakasin ang economic growth, na mayroong overall goals ng poverty reduction at reinvigorating job creation.

“The government is accelerating the country’s economic growth by further easing travel and mobility restrictions, implementing economic reforms and improving economic cooperation with trade and investment partners,” aniya pa rin.

“The government is also enhancing ease of doing business and public-private partnerships, and improving bureaucratic efficiency through information and communication technology (ICT) development and digitalization,” ani Pangulong Marcos.

“Rest assured this government is united in ensuring that the Philippines will become a viable and sustainable destination for domestic and foreign investors,” ang pahayag ng Pangulo.

Samantala, inulit naman Pangulo ang kanyang hangarin na “i-build up” ang manufacturing sector ng bansa.

“We always talk about import substitution. And we try to favor those industries that are export-oriented and that’s valid. But I think it is also time to look inwards into the domestic market here and develop our manufacturing capabilities,” anito.

“Develop those markets, the local markets, and for that, we need the private sector to come in. As when we talk about manufacturing, we are talking about capital intensive investments. And that is something we are hoping will be again a driver for our economy in the next few years,” aniya pa rin.

Binati rin nito ang Joint Foreign Chambers (JFC) of the Philippines para sa tagumpay sa pagsasagawa ng Arangkada Forum.

“It is likewise encouraging to see your willingness to work together with the government towards addressing these challenges so that we can further accelerate our country’s inclusive growth and economic momentum,” ayon sa Pangulo.

Inilunsad noong 2010, ang Arangkada Philippines ay major advocacy ng JFC para palakihin ang investment at employment sa Pilipinas.

Ang forum ay taunang event kung saan nagsasama-sama ang mga business leaders at public officials upang ibahagi ang kanilang mga ideya para sa pagpapahusay sa business at investment climate ng bansa.

Ang tema para sa pagtitipon ngayong taon ay “Reform, Rebuild, Recover” na naglalayong bigyang linaw kung paano ang policy reforms ay maiaangat at mapapanatili ang economic recovery. Kris Jose