PBBM sa Kongreso: Housing interest subsidy ipasok sa national budget

PBBM sa Kongreso: Housing interest subsidy ipasok sa national budget

January 31, 2023 @ 3:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes, Enero 31 sa Kongreso na isama ang pondo para sa interest subsidy support sa mga housing projects sa national budget sa mga susunod na taon.

Kasabay ito ng pagdalo ni Marcos sa groundbreaking ceremony ng Batasan Development Urban Renewal Plan sa Quezon City sa ilalim ng programa ng administrasyon na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.

“I now call on Congress for your support, including housing interest support as part of the regular appropriations for the succeeding years,” sinabi ng Pangulo.

“Bukod pa roon, pinag-aaralan namin ni Secretary Acuzar ang pagtatayo ng subsidy fund para dito sa ating housing program,” dagdag pa niya.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang event ay sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Acuzar na posibleng mapababa ang monthly amortization ng pabahay sa tulong ng interest subsidy.

Halimbawa, sa halip na P8,000 monthly amortization kada pamilya, nasa P3,500 hanggang P4,000 na lamang ang babayaran kapag may interest subsidy.

“Ang usapan ho namin, hahanapan niya ng paraan na malagyan ng interest subsidy ang pabahay sa program. Kasi interest subsidy napakaimportante, ‘yun ang magpapababa ng monthly amortization ng pabahay,” sinabi ni Acuzar.

“Walang libre, may babayaran pa rin pero mura na lang,” dagdag nito.

Ang unang phase ng redevelopment ng Batasan area ay kabilang na ang pagtatayo ng 33-storey buildings na may kabuuang 2,160 housing units ayon sa DHSUD.

“I welcome then and encourage the DHSUD to continue their efforts in forging and strengthening partnerships with other government agencies and the private sector to secure requirements for housing production and funding,” pahayag naman ni Marcos.

“Be it the officials, personnel, developers, construction groups, and private banks — your honest work and prompt compliance with documentary and legal requirements are needed to commence the funding and construction of housing units as originally planned,” pagpapatuloy nito.

Matatandaang target ng administrasyong Marcos na makapagtayo ng anim na milyong housing units sa loob ng anim na taong termino nito. RNT/JGC