PBBM sa LGUs: Magtalaga ng common areas para sa fireworks display

PBBM sa LGUs: Magtalaga ng common areas para sa fireworks display

December 22, 2022 @ 4:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang local government units na lumikha o gumawa ng common area para sa fireworks display para sa pagsalubong sa Bagong Taon.

“Ang gawin na lang natin ay I will enjoin the LGUs, instead of allowing our people to have their own firecrackers, gumawa na lang kayo ng magandang fireworks display para sa inyong mga constituent,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam.

Pinaalalahanan naman niya ang mga mamamayan ukol sa panganib at epekto sa kalusugan ng paggamit ng paputok lalo na iyong magreresulta ng “reckless and indiscriminate use of dangerous firecrackers.”

“Huwag muna tayong magpaputok at alam naman natin kung minsan delikado ‘yan. Lalo ngayon at maglalabas sila ng mga paputok na hindi natin alam kung saan galing, kung maayos ang pagkagawa,” ayon kay Pangulong Marcos.

Samantala, sinabi ng Department of Health (DoH) na ang lahat ng ospital ay nasa high alert para sa mga indibidwal na may ” injuries at emergencies”  na nangyayari tuwing Ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Kris Jose