PBBM sa mga alkalde: Maging bukas sa innovations, bagong ideya

PBBM sa mga alkalde: Maging bukas sa innovations, bagong ideya

October 1, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hiniling ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga local leaders  na pagbutihin pa ang kanilang pagtupad at pagganap sa tungkulin sa pamamagitan ng pag-adopt sa pinakabagong technology trends at gumamit ng bagong  approach.

Sa isinagawang  mass oath-taking  ng mga bagong halal na opisyal at  directorate members ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) sa Malacañan Palace, sinabi ni Pangulong Marcos sa mga Alkalde na “there is always room for growth and opportunities.”

“In seeking and employing the best solutions for our people, let us be open to all the latest innovations, new ideas, and fresh perspectives,” ayon kay Pangulong Marcos, base sa maikling  video clip  na in-upload ng  state-run Radio Television Malacañang (RTVM) sa official Facebook page nito, Biyernes ng gabi.

Pinayuhan din ni Pangulong Marcos ang  mga local chief executives na i-welcome ang partnerships sa private sector  upang makamit ang hinahangad ng pamahalaan na  ‘infrastructure development at digital transformation.’

Pinaalalahanan din niya ang mga ito sa kanilang  tungkulin at gampanin  bilang  “just and morally upright leaders” na naglalayong bigyan ng komportableng buhay ang kanilang mga constituents.

“Let us include private partnerships to maximize the service that we give to the people. Let us use that to implement critical projects in each locality, especially those related to infrastructure and digitalization,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Tiniyak din ng Pangulo sa mga  local leaders ang suporta ng national government’ sa gitna ng kanilang paghahanda para sa implementasyon ng “full transfer of responsibilities” sa local government units (LGUs).

Aniya, ang probisyon ng Local Government Support Fund – Growth Equity Fund (LGSF-GEF) ay nagbibigay katiyakan na  “no LGUs have been left behind” sa implementasyon ng “full devolution of functions.”

“As we prepare for the full devolution of this year, let me assure you that this national government will do the best of our ability. We will help you meet the demands of this devolution, including the realization of your respective transition plans,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga  LMP official.

“Together, may we take good care of the trust placed in us by adhering to our pledge to be just and morally upright leaders as we strive to realize our goals for our beloved nation,” aniya pa sa  isa pang Facebook post.

Sa ulat, tinatayang 430 LGUs ang makikinabang sa LGSF-GEF Program. Ang nasabing 430 LGUs ay kinabibilangan ng tatlong lalawigan, 7 lungsod, 150 munisipalidad at  270 barangay mula 2022 hanggang  2023.

Layon ng programa na “to provide additional funding to LGUs identified as poor, disadvantaged, and lagging to support the implementation of their priority projects and services.”

Ang LGSF-GEF ay maaaring gamitin  para sa implementasyon ng infrastructure projects ng LGUs gaya ng “roads, evacuation centers, o water systems, o non-infrastructure projects,  gaya ng financial aid o medical assistance.”

Matatandaang noong Setyembre 14,  sinabihan ni Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang  430 beneficiary LGUs  na gamitin ang P1.25-billion support fund para makatulong sa kanila na “carry out devolved functions and services, particularly on projects that are most beneficial and responsive to their constituents. ” Kris Jose