PBBM sa mga konsi: Korapsyon, iwasan

PBBM sa mga konsi: Korapsyon, iwasan

March 10, 2023 @ 7:00 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. ang mga lokal na opisyal na iwasan ang kasanayan ng korapsyon at panindigan ang transparency habang naglilingkod sa bayan.

“Never surrender to any form of temptation that will taint your integrity. Remember, as public servants, we must uphold transparency and accountability in all our work. Apart from inhibiting yourself from corrupt practices, I also urge you to avoid unjust and dangerous acts that put the bureaucracy in a state of decay,” ayon kay Pangulong  Marcos sa kanyang naging talumpati sa Philippine Councilors League National Convention 2023 sa World Trade Center sa Lungsod ng Pasay, araw ng Huwebes.

“Please take to heart that aside from commission, omission, too, remains an offense and a form of deception against our constituents,” dagdag na wika nito.

Kumpiyansa naman ang Pangulo na magagampanan ng mga lokal na opisyal ang kanilang sinumpaan “to exercise your functions bearing in mind the best interest of your constituents.”

Sa kabilang dako, hinikayat naman niya ang mga ito na ituon ang pansin sa kanilang mga trabaho na kapaki-pakinabang sa publiko kabilang na ang “priority legislations” ng kanyang administrasyon.

“It is your obligation to give life, meaning, and substance to the constitutional mandate of local autonomy and decentralization of powers, you are also endowed to engage in meaningful discussions on matters involving local legislative concerns,”  ani Pangulong Marcos.

Umaasa naman ang Punong Ehekutibo na susuportahan ng mga lokal na opisyal ang pagpapasa sa mga legislative priorities ng administrasyon, “particularly measures that aim to capacitate local government units.”

Kabilang na rito ang panukalang E-Governance Act, na naglalayong “institutionalize digitalization in the bureaucracy and make it easier for Filipinos to transact with their government.”

Maliban pa dyan,  hangad din ng Pangulo na suportahan ng mga ito ang pag-amiyenda sa Build-Operate-Transfer Law upang kagyat na matugunan ang “ambiguities, bottlenecks, at iba pang hamon sa pagpapatupad ng batas.

“Kaya po ang ginawa natin ay sinabi natin palitan natin ang batas para dito sa Build-Operate-Transfer para mas madali ang mga investor na makalapit sa atin at mas madali, mas maganda para sa kanila na makita nila na may magandang pagkakataon. Hindi lamang dito sa Pilipinas, kung hindi sa inyong mga constituency sa iba’t ibang probinsiya, iba’t ibang lungsod, iba’t ibang bayan ng ating local government units,” ayon sa Chief Executive.

“This will empower you to participate more actively in BOT projects as the proposed amendments will streamline the guidelines and eliminate uncertainties that limit your participation in Public-Private Partnerships,” aniya pa rin.

Hiniling din ng Pangulo sa mga ito na makiisa sa kanya sa pag-lobby para sa pagpapasa sa panukalang  National Land Use Act.

“Kailangan na kailangan na po natin ito. Alam naman natin sa local government ay itong land use ay kailangan talaga nating gawin upang maging maliwanag kung ano sa ating mga constituency ano ‘yung lupa na para sa agrikultura, ano ‘yung lupa na itatabi natin para sa commercial, para sa residential,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Iyan po ay kailangan para makapagplano ngayon tayo kung saan natin ilalagay ang mga iba’t ibang proyekto ng pamahalaan,” aniya pa rin.

Binanggit din nito ang Tax Package 3, o  Valuation Reform Bill, “to ensure the development of a just, equitable, and efficient real property valuation system.”

Idinagdag pa ng Pangulo ang pagpapasa sa panukalang  Waste Treatment Technology Act,  kung saan ayon sa kanya ay magbibigay-daan para sa “modern options” sa paglutas sa patuloy na problema sa basura sa bansa.

Ang  local government units aniya ay mayroong mahalagang papel katulad ng national government sa pagtugon sa mga  “urgent concerns”  sa  lipunan.

“Ito po ang ating sinasabi na whole-of-government approach. Ito ang aming ginagawa ngayon dahil sinasabi hindi – kung minsan may mga problema, may mga problema tayong kailangang ayusin na hindi kayang gawin ng isang department lamang, hindi kayang gawin ng isang executive order lamang,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Kailangan lahat ng ahensya ng pamahalaan ay nauunawaan kung ano ba talaga ang nais natin maabutan, what we are hoping to achieve,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose