PBBM sa mga Pinoy: Oras na para bumalik sa pre-pandemic life

PBBM sa mga Pinoy: Oras na para bumalik sa pre-pandemic life

October 24, 2022 @ 8:38 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Oras na para bumalik ang mga Pilipino sa normal na buhay bago pa  ang COVID-19 pandemic.

Importante kasi ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maipakita sa buong mundo na dahan-dahan nang nakababalik ang Pilipinas sa sarili nitong mga paa.

“It is a good thing to remind people that the pandemic may have been difficult, the pandemic really put us through the wringer. But we are back,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa Bacolod City  sa  pagtatapos ng 43rd MassKara Festival.

“The pandemic is fading away. We are learning to manage it and now it is time for us to all go back to work, to all go back to our normal lives, to remind ourselves of all the opportunities that were before us before the pandemic…It is time for us to go back to all of those endeavors that we were undertaking before Covid hit,” dagdag na wika nito.

Ang MassKara Festival aniya ang palatandaan na hindi lamang bukas  na sa turista ang Bacolod City kundi sa buong bansa.

“It is time for us to go back and exercise once again, show once again the Filipino resilience, the Filipino resourcefulness, the Filipino industry, the Filipino talent, ipakita naman natin sa buong mundo dahil nagbubukas ang mundo, dahil nagbubukas ang Pilipinas, ito ngayon ang MassKara Festival ay isang pagdiriwang hindi lamang sa pagbubukas ng Bacolod kung hindi sa buong Pilipinas,” anito.

Sa kabila aniya ng malungkot na panahon sa kasaysaysan ng Bacolod, sinabi ng Pangulo na sumisimbolo rin aniya ito sa “reemergence from a crisis” ng mga Pilipino.

Dumanas kasi ng dalawang malaking trahedya ang mga Negrense, dalawang dekada na ang nakalilipas.

Matatandaang noong 1980’s ng tumigil sa pag-angkat ng asukal ang mga banyaga nilang kustomer dahil sa paglabas ng mas murang kapalit tulad ng corn syrup (fructose). Bumagsak ang industriya, at maging ang mga taong nakasalalay dito, na ang tanging pinagkukunan ng pagkakakitaan ay ang pagtatanim at paggawa ng mga tubo.

April 22, 1980, ang MV Don Juan, isang luxury liner na pauwi na dapat sa kanyang bayang Bacolod City mula sa Maynila, ay bumangga sa isang oil tanker, ang MT Tacloban, na malapit lang sa Tablas Strait sa Mindoro, na nag-iwan ng 176 nasawi at ilan pang nawawala.

Ito ay ang madilim na bahagi ng kasaysayan ng mga Negrense.

“..That is what we celebrate today and that is what we see that people are feeling and that is the feeling that we want to continue to encourage within our people because that is what’s going to lead us to success,” ayon sa Chief Executive.

Sa kabilang dako, binati naman ng Pangulo si Bacolod City Mayor Albee Benitez at mga  event organizers  para sa matagumpay na pagdaraos ng festival. Kris Jose