PBBM sa mga Pinoy sa Kapistahan ng Itim na Nazareno: Pag-ibig, pag-asa, magsilbing lakas

PBBM sa mga Pinoy sa Kapistahan ng Itim na Nazareno: Pag-ibig, pag-asa, magsilbing lakas

January 9, 2023 @ 7:42 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nakiisa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa lahat ng Katolikong Filipino sa Pilipinas na nagdiriwang ngayon ng Kapistahan ng Itim na Nazareno.

Ngayon ani Pangulong Marcos ang tanda ng pagdating ng imahe ng Nuestro Padre Señor Jesus de Nazareno mula sa orihinal na lokasyon nito sa Intramuros patungo sa kasalukuyang tahanan nito sa Quiapo, Manila.

“Let us take this highly-anticipated religious tradition as a symbolic movement of our collective earthly journey, finding new meaning in our passions and sufferings as people,” ayon sa Pangulo.

Habang ipinahahayag ng Katolikong mananampalataya ang kanilang debosyon sa Itim na Nazareno, marapat lamang aniyang tandaan ang malalim na pinag-ugatan ng kulturang Filipino para malampasan ang “great trials and tribulations” na kinahaharap ng lahat.

“Indeed, it is through our faith that we can conquer the storms that loom ahead of us and bring forth a life filled with grace and steadfastness,” ayon pa rin sa Pangulo.

Winika pa ng Pangulo na mangyaring magsilbing inspirasyon sa lahat ang imahe ng Poong Mahal na Hesukristo na isentro ang buhay sa “pagmamahal, pag-asa at kompasyon” habang binubuksan ang sarili sa iba at sa buong mundo sa pambihirang panahon.

“Together, let us embody these values as we write a new chapter in our nation’s narrative so we can altogether usher in an era of peace and prosperity for all,’ wika ng Pangulo.

“I wish everyone a safe, meaningful, and solemn observance,” aniya pa rin. Kris Jose