PBBM sa militar: Makipagtulungan sa mga karatig-bansa, kaalyado para sa seguridad

PBBM sa militar: Makipagtulungan sa mga karatig-bansa, kaalyado para sa seguridad

December 19, 2022 @ 6:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes ang militar na patuloy na makipagtulungan sa mga karatig-bansa at kaalyado ng Pilipinas upang tugunan ang “complex security environment,” at sinabing ang kasalukuyang security challenges “do not recognize borders.”

“New security challenges do not recognize borders and we must continue to work with our neighbors, our allies, partners and friends to address mutual security concerns,” pahayag ni Marcos sa 87th anniversary celebration ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Bukod sa partnerships, sinabi ni Marcos na kailangan na maging sapat ang arsenal ng militar upang epektibong makatugon sa mga banta, at sinabing ang kanyang “marching guidance” ay “to commit to the cause of peace.”

“The security and stability of the country remains the priority. I call on you to continue performing your duties as you have had for many many years, and competently, so that our country can achieve peace and security, as well as sustain economic prosperity,” ayon sa commander-in-chief ng militar.

“Rest assured to all the Armed Forces and all the uniformed services that this administration remains committed to the modernization of the Armed Forces. We will be partners towards your vision of a strong, credible, world-class armed force that is a source of national pride and a source of national security.”

Pinuri rin ni Marcos ang pagsisikap ng militar sa paglaban sa mga communist rebels at pagbibigay-tulong tuwing mayroong kalamidad.

Gayundin, pinuri niya ang mga sundalo sa pagsasaalang-alang ng kanilang buhay para sa bansa.

“Hindi lingid sa aking kaalaman ang sakripisyo ng ating hukbo at ang panganib na kanilang hinaharap sa tawag ng tungkulin kaya naman bukod sa kagamitan, patuloy nating susuportahan ang kanilang pangangailangan,” ani Marcos. RNT/SA