PBBM sa national, local gov’t: ‘Bahala na kayo system’ sa food supply buwagin

PBBM sa national, local gov’t: ‘Bahala na kayo system’ sa food supply buwagin

August 12, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na magkaroon ng “better coordination mechanisms” sa pagitan ng national at local governments sa aspeto ng food supply.

“We have to coordinate our efforts on food supply. We cannot just allow ‘bahala na kayo’,” ayon kay Pangulong Marcos sa isinagawang pakikipagpulong nito sa mga miyembro ng League of Provinces of the Philippines.

Tinuran ng Punong Ehekutibo ang kahalagahan ng pagpa-plano, makapagbibigay ito ng ideya sa “cropping schedules, yield, soil problems, and use of fertilizer” ng mga lalawigan.

“But this has to be part of a plan, and that is why, more than ever, the President needs the help of the governors. Dati, ang agriculture, for example, was really under the national government,” aniya pa rin.

Maliban sa food supply, hangad din ng Punong Ehekutibo na palakasin ang koordinasyon sa larangan ng digitalization. sinabi nito na nagawa ng mga lalawigan ang “better job” kumpara sa national governmentsa nasabing larangan.

“Marami sa inyong medyo progressive, inunahan niyo na ang national government. Now, we have to bring the system together. Kailangan ‘yung information na hawak ng isang probinsya, ng isang agency, accessible doon sa kabila as long as they have authorization,” anito.

“We have to be literally interconnected. So that’s another area where we are hoping that we can strengthen the cooperation – the planning, the coordination between national government and local government,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa kanyang unang State of the Nation Address,tinalakay ng Pangulo ang plano ng administrasyon para sa digital transformation.

Kabilang na rito ang rollout ng National IDs, implementasyon ng National Broadband Plan at ang “common tower program,” at maging ang “connecting geographically isolated and disadvantaged areas via the so-called ‘Broad Band ng Masa’ project. ” Kris Jose