PBBM sa NDRRMC: Dinelubyo ng sama ng panahon, bantayan

PBBM sa NDRRMC: Dinelubyo ng sama ng panahon, bantayan

January 12, 2023 @ 9:24 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Binigyan ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Disaster Risk Reduction & Management Council (NDRRMC) na manatiling nakatutok sa mga lugar na hanggang ngayo’y apektado ng masamang panahaon.

Ito’y sa gitna na rin ng patuloy na nararanasang sungit ng panahon sa Viasayas at Mindanao base na din sa ulat ng PAG-ASA.

Kasama rin sa direktiba ng Chief Executive sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno ang patuloy na koordinasyon sa mga Local Government (LGU).

Ito’y para maipahatid ang kailangang tulong sa mga lokal na pamahalaan pababa hanggang sa kanilang mga apektadong constituents.

Sa naging pag-uulat ng PAG-ASA, isang low pressure area ang na-monitor sa Surigao del Norte na magdudulot ng mga pag-ulan sa Visayas at Mindanao.

Matatamaan nito ang mga area ng Eastern Visayas, Central Visayas, Zamboanga peninsula, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Surigao del Sur. Kris Jose