PBBM sa OFWs: Mag-negosyo para tumaas kita

PBBM sa OFWs: Mag-negosyo para tumaas kita

December 4, 2022 @ 8:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  na mas pinalakas ng gobyerno ang suporta nito para sa  entrepreneurship bilang isa sa paraan upang makalikha ng karagdagang kita ang mga  overseas Filipino workers at kanilang pamilya para suportahan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa isang kalatas sa 2022 Go Negosyo OFW Summit, bagama’t hindi nakadalo ang Pangulo sa event ay patuloy naman ang ginagawa ng pamahalaan sa pagsasaliksik sa entrepreneurship bilang plataporma upang matiyak na makaaahon ang bansa mula sa matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Sinabi pa nito na ang kontribusyon ng OFWs sa ekonomiya ng bansa at labor force ay nagsilbing mahalagang elemento tungo sa pangmatagalan na kasaganaan.

Idagdag pa na nananatili itong matibay na pundasyon ng ekonomiya.

“In today’s activities, we aim to make entrepreneurship an avenue where we can help OFWs and their families generate additional income to support their needs,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We hope that through entrepreneurship, our OFWs will now have the option to come back home with the ultimate goal of making working abroad a choice rather than a necessity,” dagdag na wika nito.

Idinaos ang Go Negosyo OFW Summit  bilang bahagi ng pagdiriwang ng Go Negosyo sa kanilang  ika-17 anibersaryo.

“As President, I assure you that the national government will continuously work to ensure the welfare and competitiveness of our OFWs during my administration,” ayon sa kalatas ni Pangulong Marcos.

Samantala, dumalo naman sa nasabing event si First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos at inanunsyo na may 9 na Kabayan Awardees ang makatatanggap ng P200,000 mula sa  Office of the President (OP). Kris Jose