PBBM sa pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisda Pinoy, ‘alam sana ni Xi’

PBBM sa pagtaboy ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisda Pinoy, ‘alam sana ni Xi’

January 24, 2023 @ 10:54 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naipaabot na kay Chinese President Xi Jinping ang ginawang pagtataboy ng  Chinese Coast Guard (CCG) sa ilang mangingisdang pinoy  mula sa Ayungin Shoal na bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Matatandaang, una nang sinabi ni Pangulong  Marcos na nagkaroon na sila ng kasunduan ni Chinese President Xi Jinping, na papayagan ang mga mangingisdang Pinoy na magpatuloy sa kanilang hanapbuhay sa pinag-aagawang bahagi ng karagatan.

“So we have immediately used that thing, that mechanism that I talked about [with which] we can even immediately contact the Chinese government, and hopefully our counterparts on the other side can bring it to President Xi’s attention, this problem, and we have done that,” ayon kay Pangulong Marcos.

“But it does not preclude us from continuing to make protests and continuing to send note verbale concerning this,” dagdag na wika nito.

Ani Pangulong Marcos, ipinanukala niya ang  communication mechanism kay Xi  sa naging state visit niya sa Beijing  nito lamang unang bahagi ng buwan.

Kapuwa nagkasundo ang dalawang lider ukol sa nasabing usapin.

Sa ulat, isang CCG vessel 5204 at isang speed boat nito ang nagtaboy di-umano palayo sa mga mangingisdang Pinoy.

Nasa layong 100 nautical miles mula sa Palawan Ayungin Shoal, malapit din sa Mischief Reef, na tinayuan ng artipisyal na isla ng China.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na “The actions that are needed are really from the Chinese side.”

“And that is because we do not send Coast Guard boats into what we consider their waters or international waters. They stay within Philippine waters,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

“And so that hopefully, as I said, the reason that it was important for me… Let me clarify what we talked about with President Xi. It was very simple. I said we have to raise the level of discourse between the Philippines and China,” aniya pa rin sabay sabing “If President Xi puts out an order that we will not do that anymore, we will do something else, then I think it will be – I think the chain of command is fairly solid.” Kris Jose